Monday, June 13, 2011

Whatever Happened to "Nasaan Ka Elisa?" of ABS-CBN?


"Nasaan na nga ba si Elisa?" yan din ang tanong ng karamihan sa atin kung ano na nga ba ang nangyari sa pinakaaabangang teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Melissa Ricks, ang "Nasaan Ka Elisa?" mula sa Chilean telenovelang "¿Donde Esta Elisa? (Where is Elisa?)".

"Nasaan Ka Elisa?" was originally intended to be shown on March 7 as part of ABS-CBN afternoon block (Haponstatic) which was later changed into Kapamilya Gold. The teleserye remake of the Chilean telenovela is really promising, from the story, to the scenes, up to the artists and production. Kaya lang, mukhang tatlong buwan na ang nakalilipas simula noong ipromote ito, hanggang ngayon eh wala pa din tayong napapanood na "Nasaan Ka Elisa?". Eh, nasaan na nga ba itong teleserye na ito?

Ayon sa aking source, ang "Nasaan Ka Elisa?" na pinagbibidahan ni Melissa Ricks, gayundin ang "Maria La Del Barrio" nina Erich Gonzales at Enchong Dee, at iyong "Precious Hearts Romances Presents: Hiyas" naman ni Zanjoe Marudo eh hindi nakapasa sa standards ng mga taga Movie and Television Reviews and Classification Board or MTRCB. Ang naturang tema di umano ng mga nabanggit na upcoming teleserye ng ABS-CBN ay hindi maaring ipalabas sa hapon. Ang pagpapakita ng mga "mature" roles ay nararapat daw sa pang-gabing timeslot (10PM onwards). At dahil na rin sa rason ito, ang tatlong nasabing teleserye ay hinahanapan pa daw ng timeslot.

Sabik na sabik na ako sa totoo lang sa paghihintay kung kailan ipapalabas ang "Nasaan Ka Elisa?" dahil na din sa kakaibang tema nito at produksyon. Ayon sa aking source, ang teleserye raw na ito ay maaaring ipalit sa timeslot ng "Minsan Lang Kita Iibigin" kapag ito ay nagwakas na.


Subscribe now to my feeds or receive email alerts for FREE by dropping your email in the box.
Enter your email address:


Delivered by FeedBurner

4 comments:

  1. kaya pla natagalan.. excited p nman aq s palabas n 2.. kya nga search q xa ngaun ksi naiinip nko.. haist!! :((

    ReplyDelete
  2. Ipapalabas na ang Maria la del Barrio sa Kapamilya Gold. Ano ang ibig sabihin nun? Binago ang story o pinayagan na ng MTRCB?

    ReplyDelete
  3. @richie: ang alm ko, nag-reshoot sila ng maria la del barrio for it to fit the timeslot of before tv patrol!

    ReplyDelete
  4. Ay oo nga pala, primetime pala un hindi Kapamilya Gold, hahahha..

    ReplyDelete

From the Archive

Follow Me on Twitter

Total Pageviews


website stats

Personal - Top Blogs Philippines