Wednesday, June 17, 2009

A Facebook Balagtasan Face-Off!

A wall post on my facebook account written by a friend has resulted from a balagtasan face-off between me and my high school friends. It may sound so nosebleed but I really enjoyed having a balagtasan encounter with them.

For those who do not know, a balagtasan is the art of having an argument to people done as if reciting a poem that centers at a particular topic. The following is our facebook commenting/replying to my wall post, the balagtasan style (which by the way are written in Filipino language, so forgive me if you do not understand everything, thank you... =P):


It all started with this facebook wall post:

Ian De Jesus: HIGIT PA SAKAGALAKAN ANG AKING NARAMDAMAN NG AKING MALAMAN NA MAY MARINGAL NA HANDAANG MAGAGANAP PARA SA NALALAPIT NA PAGDIRIWANG NG IYONG KAPANGANAKAN...

LUBOS AKONG UMAASANG AKO AY IMBITAHAN MO :p


And the others followed, wahehhehe:

Ian De Jesus at 11:00am June 17:
*twinkling eyes*
_____________

Nheng Maravilla at 11:01am June 17: ahahahaha tunay ngang kaiga-igaya ang iyong tinuran ian.... naway maging masagana ang araw na yaon ... bow!!!!!
_____________

Ezekiel Manalaysay at 11:01am June 17:
@ian:
Ang iyong mga nasagap ay tila isang hinuha,
Walang kasiyahan ang sa aming tahanan ay nagbabadya,
Ang inyong lingkod po ay pupuntang Malaysia,
Magtatago at mangangalap ng mga ebidensya.

Sa darating at nalalapit kong kaarawan,
Huwag mag-alala at huwag magalinlangan,
Ako'y darating din naman kinabukasan,
Ngunit hindi ako manlilibre, wag ninyong asahan!
___________

Ezekiel Manalaysay at 11:04am June 17:
@marilyn:
Ikaw naman Marilyn, ang tagal mong hindi nagpakita,
Ikaw ang dapat manlibre, dahil ikaw ay may utang pang isa,
Kahit hindi ko kaarawan, ay nanlilibre ako, alam mo yan,
Matagal pa ang suweldo, kaya't huwag mo na ding asahan.
___________

Ian De Jesus at 11:06am June 17:
Ang gutom ay mapaparam
Ang uhaw ay matitighaw
kasabay ng halakhak at sayaw
ang maringal na kasiyahang... tila isang sorpresa

kapana-panabik ang bawat araw
nakaiinip ang bawat gabi

singdami ng bituin sa langit ang mga inanyayahan
sanglaksang pantawid gutom at uhaw ang ibubuhos ng villa manalaysay

kapana-panabik...
salamat sa napakaringal na kasiyahang magaganap

––––––––––

Ezekiel Manalaysay at 11:14am June 17:
@ian:
Tunay ngang sadyang ang gutom ay lilipas din,
Ang kasiyahan ay musika ng aking pagkagiliw,
Ang bawat araw na lumipas ay tila nga isang pananabik,
Ngunit isipin mo na lang, na ang bulsa kong walang paltik.

Kung singdami ng bituin ang aking iimbitahan,
Kulang ang villa manalaysay para aking handaan,
Oo nga't mayaman kami at prominente ang aming pamilya,
Ngunit, gaya nga ng sinabi ko, ako'y pupuntang Malaysia.

__________

Ian De Jesus at 11:18am June 17:
Malaysia isang bansa sa timog silang Asya
malapit sa mapa, ngunit malayo sa hinuha...

ngunit kung pasaporte ay wala , paanong itong naging pasya?
Isang magandang gunita ngunit tila isang bula

__________

Mikel Rodriguez at 11:20am June 17:
@ekey
ako ba ay iyong iimbitahan
sa iyong nalalapit na kaarawan?
ito'y tatanawing isang karangalan
ang ako ay mapabilang.

tunay na kaligayahan
aking mararamdaman
kung ako ay mapapaunlakan
sa pagdiriwang ng iyong kapanganakan

__________

Ezekiel Manalaysay at 11:24am June 17:
@ian:
Ang lahat ng bagay ay paraan,
Maari akong pumuslit ng walang nakaaalam,
Isa yata akong ninja sa aking nakaraan,
Kaya ang maipapayo ko lang ay walang pakialamanan.

@mike:
At sayo naman mike, itong para sa iyo,
Huwag kang makulit, hindi ka din imbitado,
Sinabi ng walang handaang magaganap, gago,
Huwag mong ipilit, baka masiraan ka pa ng ulo.

__________

Mikel Rodriguez at 11:32am June 17:
@ekey
masyadong matabil ang iyong pananalita
kung ayaw mong manlibre edi wag, gaga
sa sobrang kakuriputan, ikaw din ay mkakakarma
kung ang iyong kaarawan ay di bibigyang halaga.
hahaha...
___________

Ian De Jesus at 11:41am June 17:
isang pagtutunggali sa pamamagitan ng salita
matalim ang hinuha, tabak ang wika

manlibre ka na... lintik na makata
kundi'y magdarasal sa tuwina na hantik ika'y malapa

___________

Nheng Maravilla at 11:54am June 17:
gayun na lamang ba kung iyong balewalain

araw ng iyong pagsilang dito sa lupang ibabaw

sayang lamang kaibigan ang aming taos pusong pagbati.

at pagbibigay pugay sa iyong kaarawan na iyong tinatanggihan

kunsabagy nga naman aking mga katoto

ano ba nga naman kung atin na lamang palipasin

araw na tinuran, kaarawan ng isang natatanging nilalang

tinawag pang perfecto, puso'y kasintogas ng bato

harinawa ay dumating ang araw, sa tuwing darating ang buwan ng hunyo laktawan na lamang ang petsa ng pagsilang mo!!!!

___________

Ian De Jesus at 12:04pm June 17:
ekey oh ekey... naway iyong marinig
pagbuksan ng iyong puso at iyong dibdib

mga panaghoy sa kasiyahang iyong hinahalukipkip
naway ang iyong puso ay di magsikip.

Kaya nga't ipagkaloob ang aming minimithi
batid mong kami'y di mapili at laging ngingiti

titingin sa langit naway ikaw ay magising
baka bukas, kaibigay wala ka ng makapiling...

ihandog, magpasalamat, magsaya magalak
manlibre, magtiwala, magpasaya at wag magpaluha
_____________

Ezekiel Manalaysay at 12:49pm June 17:
@mike:
Hindi kakuriputan ang tamang pananalita,
Bagkus ang kawalan ng sapat na pera,
Hindi ko ipinagkakailang ako'y iyong binati,
Nagpapasalamat pa nga ako't sa bibig mo iyo'y namutawi.

Gustuhin ko mang ikaw ay ilibre ko,
Hindi ba't nasabi kong matagal pa ang suweldo?
Kung nais mong ikaw ay pagbigyan ko,
Maghintay ka lamang... malay mo?

@nheng:
Lubos kong ikinagagalak gayundin ang iyong pagbati,
Isa ka sa mga nakaalala, wala akong ibang masabi,
Nagpapasalamat ako't naalala mo din pala,
Ang aking kaarawan, oo, ay nalalapit na nga,

Ngunit gaya ng aking tinuran madalas,
Ang suweldo ay sadyang lumihis ng landas,
Kung ikaw naman ay sadyang makapaghihintay,
Panlilibre ko sa iyo ay hindi naman mawawalay.
__________

Ezekiel Manalaysay at 12:52pm June 17:
@ian:
Hahaha... ako'y napasaya sa mga nais mong ipabatid,
Alam mo namang ang pisi ko ngayon ay patid,
Kung ang mga panaghoy ay makapaghihintay lamang,
Asahan na ang hiling sa langit ay hindi nasayang.

Ano ba ang meron sa balarilang ito,
Tagisan ng mga salita, ewan natin kung sinong panalo,
Ngunit isa lamang ang tanging masasabi ko,
Kakampi ko ang mga salita, hindi ako patatalo.

Sa nalalapit na aking kaarawan,
Asahan na ang libre ay mahuhuli lamang,
Hindi ko alam kung kailan o kung paano,
Ililibre ko kayo ng isa-isa o isang bulto?

Hay, kung ano mang kasagutan ay hindi ko pa alam,
Basta darating ang araw, pasasaan pa yan,
Napakatalas na ng aking isipan,
Salamat sa balarilang tinuran.
____________

Ian De Jesus at 1:12pm June 17:
Ang hiwaga ng tinuran
ang salamisim ng pangarap
sadyang tutularan
aangkinin ang sarap

kahit ano pa mang dahilan
inisip, tinuran upang libre't di malasahan
gipit man sa ngayon... ikaw lang nakaaalam
nawa'y gutom sa gunita nami'y iyong maparam

kami'y laging naririto, nakahimpil
nagmamasid
alam naming kung kailan ang iyong sweldo
di nalilingid at kami'y kakapit

kundi sa tiyak na araw ng kapanganakan
gutom at sakit ay matitighaw...
tiyaking tutuparin ang pangako
at kamiy maghihintay sa gayong araw...

mga salita'y may kurot, may hapdi
may pait...
naway sa mga susunod na araw kabusugan ang
kapalit



I have a feeling that this is not yet over. Hahahaha. Have a nice day!

Subscribe now to my feeds or receive email alerts for FREE by dropping your email in the box.

Enter your email address:


Delivered by FeedBurner

9 comments:

  1. hahaha cool!
    -p from whatsikat

    ReplyDelete
  2. kulit nyo dito bro ah, eheheh! buti nlg eh konti nlg workload mo at nakakapagbalagtasan ka na sa FB...at sympre balik na sa blogging ehehe.

    ayos tong bagong loook ng blog mo *wink*

    ReplyDelete
  3. @elmot: hahaha... hindi naman masyado... ganyan lang kami magkulitan ng mga high school friends ko... spontaneous reactions lang ang lahat! hahaha... thanks sa comments! semi-pagbabalik lang sa blogging... hahahha

    ReplyDelete
  4. BAkit di ako naimbitahan sa balagtasan na to? Sana sinabihan mo kami ni roy. hehehe

    ReplyDelete
  5. @zorlone: hmmm.. dapat meron kang email alert galing facebook para maabisuhan ka ng mga pangyayari sa FB... wahehehhe

    ReplyDelete
  6. Naku, all star cast ata yang balagtasan nyo. Lalo na pag kasali sina Doc Z and Roy.

    ReplyDelete
  7. @lucrecio: hahahha... sayang nga eh... hindi nya agad napansin ung facebook wall ko! hehehe

    ReplyDelete
  8. hey i thought you're a foreign blogger,pinoy ka pala hanep hahaha...I love your giving tips on blogging simple and easy to acquire but ten all of a suden I landed on this page,the facebook balagtasan..really cool..

    ReplyDelete
  9. @anonymous, 9:43PM: hehehe... salamat naman pag-aakala... hehehe.. at salamat sa pagbisita!

    ReplyDelete

From the Archive

Follow Me on Twitter

Total Pageviews


website stats

Personal - Top Blogs Philippines